Linggo, Abril 2, 2017

Manong Driver

Wala akong mapili na iinterview pero dahil madami ang nag tratricylce driver sa amin isa kanila na 

lang ang iinterviewhin ko, buti may kapitbahay ako. Kaya na naman naghanda na muna ako ng mga 

taong para sa panayam kong gagawin.


Ako: Mang Ben!

Mang Ben: ano iyon Jude?

Ako: pwede po ba kayong mainterview? Madali lang po iyon para lang po sa project ko.

Mang Ben: O sige. Parito ka pasok. Saan ba tungkol iyan?

Ako: ano lang po. Tungkol sa buhay driver. Ang una ko pong tanong ay ilang taon na po kayo na 
driver ng tricycle?

Mang Ben: 20 years na.

Insight- sobrang tagal na nga ni Mang Ben nag dadrive ng tricycle. Kasi bata pa lang ako noon ay 
nakikita ko na yan namamasada.

Ako: ahhhh. Sibrang tagal niyo na po pala na driver

Mang Ben: Oo nakapagpatapos na ako ng dalawa kong anak dahil sa tricycle ko na ito.

Ako: kumusta naman po ang kita niyo?

Mang Ben: ayos naman, mabenta ngayon lalo na at summer na gusto ngayon ng mga tao ay sasakay 
na at ayaw na mag lakad gawang sobrang init ngayon.

Ako: Oo nga po. Sobrang init nga panahon ngayon. Magkano po ang kinikita niyo sa isang araw?

Mang Ben: depende ang pinaka malaki na ay 500.

Ako: ahhhm. Ano ginagawa niyo pag walang pasada?

Mang Ben: ano, naglalaba, nagdadayag, mga gawaing bahay tinutulungan ko na din ang misis ko kasi 
alam ko na pagod na pagod iyon sa trabaho niya sa may super market, cashier siya doon ba sa may 
Georki Mart.

Ako: noong una po? Paano niyo po nabili ang ginaggamit niyong tricycle?

Mang Ben: iba pa noon ang tricycle ko. Rs pa ang gamit ko non, hulugan lang kuha ko non, mahirap 
pa ang buhay eh. Iyan naman na tricycle na bago diyan ay bili sa akin ng anak ko nag nagtatrabaho sa Maynila. Eh hindi na nagagamit iyong luma kaya naman benenta ko na iyong RS ko na tricycle.
Tara dito sa kuisna at kumain ka muna.

Ako:  ay hindi na po. Gagawin ko pa po itong project ko. Sige po. Uuna na po ako, maraming salamat po.

Mang Ben: sige sige. Walang ano man.