Wala akong mapili na iinterview pero dahil madami ang nag
tratricylce driver sa amin isa kanila na
lang ang iinterviewhin ko, buti may
kapitbahay ako. Kaya na naman naghanda na muna ako ng mga
taong para sa panayam
kong gagawin.
Ako: Mang Ben!
Mang Ben: ano iyon Jude?
Ako: pwede po ba kayong mainterview? Madali lang po iyon
para lang po sa project ko.
Mang Ben: O sige. Parito ka pasok. Saan ba tungkol iyan?
Ako: ano lang po. Tungkol sa buhay driver. Ang una ko pong
tanong ay ilang taon na po kayo na
driver ng tricycle?
Mang Ben: 20 years na.
Insight- sobrang tagal na nga ni Mang Ben nag dadrive ng
tricycle. Kasi bata pa lang ako noon ay
nakikita ko na yan namamasada.
Ako: ahhhh. Sibrang tagal niyo na po pala na driver
Mang Ben: Oo nakapagpatapos na ako ng dalawa kong anak dahil
sa tricycle ko na ito.
Ako: kumusta naman po ang kita niyo?
Mang Ben: ayos naman, mabenta ngayon lalo na at summer na
gusto ngayon ng mga tao ay sasakay
na at ayaw na mag lakad gawang sobrang init
ngayon.
Ako: Oo nga po. Sobrang init nga panahon ngayon. Magkano po
ang kinikita niyo sa isang araw?
Mang Ben: depende ang pinaka malaki na ay 500.
Ako: ahhhm. Ano ginagawa niyo pag walang pasada?
Mang Ben: ano, naglalaba, nagdadayag, mga gawaing bahay
tinutulungan ko na din ang misis ko kasi
alam ko na pagod na pagod iyon sa
trabaho niya sa may super market, cashier siya doon ba sa may
Georki Mart.
Ako: noong una po? Paano niyo po nabili ang ginaggamit
niyong tricycle?
Mang Ben: iba pa noon ang tricycle ko. Rs pa ang gamit ko
non, hulugan lang kuha ko non, mahirap
pa ang buhay eh. Iyan naman na tricycle
na bago diyan ay bili sa akin ng anak ko nag nagtatrabaho sa Maynila. Eh hindi
na nagagamit iyong luma kaya naman benenta ko na iyong RS ko na tricycle.
Tara dito sa kuisna at kumain ka muna.
Ako: ay hindi na po.
Gagawin ko pa po itong project ko. Sige po. Uuna na po ako, maraming salamat
po.
Mang Ben: sige sige. Walang ano man.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento